Mojim 歌詞
Mojim 歌詞 > 欧州米国の歌手 > Sampaguita( Tessy Alfonso ) > 18 Greatest Hits Sampaguita > Laguna

Sampaguita( Tessy Alfonso )



歌詞
アルバムリスト
歌手の紹介

Sampaguita( Tessy Alfonso )

Laguna

(Ahh ahh) (2X)

Halika na sa kabukiran
At ang paligid ay masdan
Sari-saring mga taniman
Ang makikita sa daan.

Sariwang hangin sa tabing baybayin
Parang pangarap na tanawin
Bundok na kagubatan, gintong palayan
Malawak na karagatan.

Mga ibong nagliliparan
At pagdapo'y nag-aawitan
Mga punong nagtataasan
Parang paraisong tingnan.

Ibang paningin ang mapapansin
Na gigising sa 'yong damdamin
Malalagim ka sa 'yong nakikita
Pagkat walang kasing ganda.

Chorus:
(Laguna) Nang ito ay marating ko
(Laguna) Para bang ako ay nagbago
(Laguna) Kakaibang damdamin (ahh).

もっと沢山の歌詞は ※ Mojim.com
Laguna ay isang larawan
Ng tunay na kaligayahan
Ito'y ina ng kalikasan
Na nasa puso ninuman.

Kahit nasaan ay nasa isipan
At nararamdaman
Sa paglalakbay ay laging kasama ko
Ang magandang karanasan.
(Repeat Chorus 2X)

Coda 1:
Kung iisipin mo
(Laguna) (La la la.../Na na na...)
(Laguna) (La la la.../Na na na...)
(Laguna) (La la la.../Na na na...)
(Ahh) (La la la.../Na na na...)
(Repeat Chorus)
(Repeat Coda 1 2X)

Coda 2 (Fade):
(Laguna, Laguna, Laguna, ahh) (2X)

Maraming salamat po!